Hi guyyyyss so welcome to our blog! Ako si Andrea Divine T. Legaspi at ang partner ko na si Ken Vailoces. Nandito kami upang mag blog patungkol sa aming natutunan sa asignaturang Filipino 1, simula una hanggang sa kasalukuyang aralin.

Gamit namin ang librong Sidhaya 11: Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino na
akda nila Rhoderick V. Nuncio, Elizabeth Morales-Nuncio,Rogelio Valenzuela at marami pang iba.
Ang libro ay naglalaman ng mga depinisyon at Mga tanong na dapat sagutin.

Ito rin ang librong ginagamit ng aming guro na si Bb. LaƱojan.

Magsimula tayo sa unang aralin sa yunit 1 na pinamagatang “Wika,komunikasyon at Wikang pambansa” ang natutunan namin sa araling ito ay ang wika pala ay isang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa ating pakikipag kapwa tao, ito ay pinakamabisa sa lahat upang tayo ay makipag komunikasyon sa ibang tao.

Ayon kila Emmert at Donagby (1981) Ang wika raw ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog
o di kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid
sa ibang tao. Ito yung mga salitang nais nating ipahayag saibang tao. 
Ang wika ay may 5 daluyan ng Pagpapakahulugan
Una ay ang Tunog, dito nagsimula ang lahat ng wika ng tao.
Ito yung tunog na ating naririnig katulad na lamang ng pag bigkas ng isang tao.
Nang dahil kay Ferdinand de Saussure na isang Swiss linguist ay lumutang ang konseptong
Ponosentrismo na ang kahulugan ay “una ang bigkas bago ang sulat”

Ang pangalawa naman ay ang Simbolo, Yung mga larawan,guhit at kahit hugis ay kumakatawa ng kahulugan. Halimbawa ay nag watawat ng ating bansa na sumasagisag sa ating kalayaan.
 

Ang pangatlo ay Kodipikadong Pagsulat na sistema ng pag sulat tulad nalang ng
paggamint ng tableta ng mga Sumerian at ng baybayin.
Ang pang apat ay ang galaw, ito ang tumutukoy sa ekspresyon ng mukha,hampas ng kamay at galaw ng katawan o bahagi ng ating katawan na may nagpapahiwatig ng kahulugan o mesahe. Halimbawa ay ang pag kaway, pag ngiti at iba pa.

Ang huli naman ay ang Kilos- Ang tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng
isang ganap na kilos tulad ng pag awit at pag sayaw.

Dumako tayo sa Gamit ng wika, Ang Wika nga pala ay may anim na gamit.
Ang una ay Ang gamit ng wika sa talastasan, mapa pasalita man o pasulat.
Ito ay ang pangunahing kasangkapan ng ating mga tao sa pagpapahayag ng damdamin

at kasangkapan.


Sunod ay ang Gamit ng wika na Lumilinang ng Pagkatuto,
Ang ating wika ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon upang ito pa

ay mas luminang at mapaunlad ang kaisipan.

Ang Saksi sa Panlipunang Pagkilos ay ang pangatlong gamit ng wika ng
dahil sa panahon ng rebolusyonaryo ang nagpalaya at nag buklod sa mga Pilipino
na lumaban mula sa tulong ng talumpati,panulat at mga akda.

Ang wika din ay lalagyan o imbakan ng kaalaman nating bansa.



Ang ika limang gamit ng wika ay ang tagapagsiwalat ng Damdamin,

Ating wika ay ang nagpapahayag ng ating mga damdamin tulad ng pag ibig.


Ang huling Gamit ng wika ay ang pag gamit sa imahinatibong pagsulat, ito ay gamit ng mga tao sa pag sulat ng mga alamat,kuwento,tula at iba pa.

Ang wika ay may kategorya at kaantasan, Ang pormal at di pormal
Ang Pormal may dalawang antas ang Opisyal na wikang pambansa at panturo na nagsasaad na itoy ginagamit sa ating pamahalaan at
mga aklat pangwika na ating ginagamit sa ating pag aaral.
ito ang wika na ating ginagamit sa buong bansa tulad nalang ng malaki at tahanan,
  samantalang ang pangalawa naman ay ang Wikang pampanitikan na
karaniwang ginagamit lamang sa mga akdang pampanitikan ang halimbawa ay
ang salitang kabiyak. 

Ang Di pormal naman na wika ay madalas lamang gamitin sa araw araw na ating
pakikipagtalastasan, ito ay may tatlong antas. Ang wikang panlalawigan na ang mga
salita ay diyalekto. pangalawa ang balbal na ang english ay slang ito yung mga
madalas marinig ng mga tao sa larangan halimbaw yung sikyu o kaya yung shudi
abas at ang huling antas ay ang wikang kolokyal na ginagamit ng mga tao sa
pakikipag usap araw-araw. 
Image result for komunikasyon


Ngayon naman ay ang natutunan namin sa komunikasyon,
Ang komunikasyon ay ang paghahatid, pagpapahayag o kaya ay ang pag bibigay
ng impormasyon. Ito ang pakikipag ugnayan natin sa ibang tao. May tatlong
antas ang komunikasyon. Una ang Intrapersonal, ito yung antas ng
komunikasyon na naka focus lamang sa sarili gaya ng pagdasal.
Ang pangalawa naman ay ang interpersonal na komunikasyon na
kung saan ang komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o
higit pang tao. Ang pang huli ay ang organisasyonal na uri ng
antas kung saan ang komunikasyon ay nagaganap sa loob ng
organisasyon gaya ng sa kompanya, mga taong may iba’t ibang posisyon. 

Image result for modelo ng komunikasyon
May modelo ang komunikasyon ang tagapagdala o sender ay ang
pinagmulan ng mensahe kasunod nito ang tsanel na ang dinaraanan
ng mensahe upang mahatid sa patutunguhang destinasyon sunod ay
ang taga tanggap o ang receiver ito yung tao o institusyong pinadalhan
ng mensahe. Nagkakaroon ito ng tugon o feedback kung saan ang sender
ay nakaka receive ng puna galing sa receiver. Ingay ito yung sagabal sa isang
komunikasyon. 

Ang komunikasyon ay may tatlong uri, Ang Komunikasyon pagbigkas ay ang
pinaka pundasyon ng pagsalin salin ng anumang wika sa mahabang henerasyon.
Pangalawa ay ang komunikasyong pasulat na isa sa mahalagang salik ng edukasyon
ng tao. At ang panghuli ay ang Pakikipag talastasan sa pamamagitan ng kompyuter
dulot ng internet, nagkaroon ng aktuwal na paghahatid ng mga mensahe gamit ang
e-mail,chat at iba pa. 

Alam niyo ba na sa taong 1901 ay dinala ng mga amerikano ang wikang ingles at ipinalaganap sa public,
noong 1935 ay umusbong ang unang yugto ng wikang tagalog sumunod ang ikalawang yugto
ng wikang tagalog na noong 1940 ay ginawang pang-akademikong asignatura na kalaunay
pinalitan ng Unang yugto ng wikang pilipino kung kailan ang pangalang “tagalog” ay
chinange bilang Pilipino. Ang ikalawang yugto ng wikang pilipino noong taong 1973
at pinanatili itong opisyal at wikang pang akademiko. noong taong 1973 din ay ang
Unang Wikang Filipino ay binalak na buuin at papalit sa pilipino, ang pangalawang yugto
ng wikang filipino ay muling kinilala noong taong 1987. Mula sa maikling  komplikasyon
noongtaong 1973 hanggang 1987, umusbong ang programang pangwika. Una ang
Monolingguwalismong Ingles dahil gusto ng mga amerikano na hubugin ang kaisipan
ng mga pilipino,ipinataw nila ito noong taong 1901. Unang bilingguwalismo naman
ang musbong noong taong 1939 nang iniutos ni Jorge Bocobo na maaraing gamiting a
uxilliary na wikang panturo sa mag-aaral sa unang baitang, noong taong 1970 umusbong
ang ikalawang bilingguwalismo na tanging wikang pilipino lamang ang gagamiting midyum
sa pagtuturo, sumunod ang unang multilingguwalismo na ipinatupad noon 1973 bilang
midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan sa pag gamit ng wikang
pilipino at ingles. Ang pangatlong bilingguwalismo ay ang pumalit sa unang multilingguwalismo
na at ipinatupad noong 1974 na kalaunay pinalitan ng pangalawang multilingguwalismo noong
panunungkulan ni dating pangulong Corazon arroyo at ang huli ay ang kasalukuyang pambansang
patakarang wika na ang Ikatlong multilingguwalismo na ipinatupad noong taong 2009.
 Image result for amerikano
Image result for cory aquino
Tatalakayin ko ang tungkol sa lingguwistikong Komunidad,
Alam natin na ang wika na ating ginagamit sa komunikasyon at ang dahilan
upang tayoy makapag ugnayan sa bawat isa. Ang Cebu ay isang multikultural na
pamayanan, dito natin makikita ang Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. 

Tatalakayin ko ang tungkol sa lingguwistikong Komunidad,
Alam natin na ang wika na ating ginagamit sa komunikasyon at
ang dahilan upang tayoy makapag ugnayan sa bawat isa.
Ang Cebu ay isang multikultural na pamayanan, dito natin makikita
ang Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.

Ang kakasaysayan ng ating wikang pambansa,Baybayin ay isang katutubong pamamaraan ng pagsulat noong unang panahon na ginagamit ng ating mga ninuno, Ang Doctrina Christiana ay ang kauna-unahang aklat sa bansa na nakasulat sa paraang baybayin. Sa panahon ng kolonyalismong espanyol ay ang pag gamit ng wikagn kastila, sa Panahon ng rebolusyon  ay ang matinding damdamin ng nasyonalismo na ang ibang pilipinon ay pumunta sa ibang bansa upang mag aral hanggang sa Panahon ng Amerikano na ang edukasyon ay ginawang instrumento, panahon ng pamahalaang komonwelt noon taong 1935 at nagtakda ng kinikilalang wikang pambansa, noong Ikalawang digmaang pandaigdig na sa panahon ng hapones nagsimula,Ang pagbalik ng mga amerikano ay ang pag proklamasyon ng buwan ng wika. Noong dekade 90 ang Komisyon sa wikang filipino ay pinahaba ang pagdiriwang ng wikang pambansa at ang pang huli ay ang sa Internet at Globalisasyon na sa paglalaganap ng wikang filipino ay sa internet na. 


Sa puntong ito, ilalahad ko sa inyo ang aking natutunan sa Yunit II: Mga Gamit ng Wika sa Lipunan. Sa talakaying ito naglalaman ito ng anim na aralin: (1) Bilang Instrumento, (2) Regulatoryo, (3) Interaksiyonal, (4) Personal, (5) Imahinatibo, at (6) Heuristiko at Representatibo. Sa mga talakaying naganap, marami rami din akong natutunan at ngayon ibabahagi ko sa inyo ito.
Sa unang aralin na pinamagatang Bilang Instrumento, nalaman ko na malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay maaring gamitin upang ipahayag ang ibat-ibang  layon, pakay, o tunguhin. Ito ay maituturing na INSTRUMENTAL dahil natutugunan nito ang pangangailanan ng tao tulad ng sumusunod:
   1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat
   2. panghihikayat upang gawin ang nais na tupadin o mangyari
   3. direkatang pag-uutos
   4. pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman 
Sinasabi din na si Prospero Covar ang nagsabing magkakauggnay ang loob, labas at lalim ng ating pagkatao. Samakatuwid, may kaisahan lahat ng salik ng pagkatao habang tayo ay nakikipag-usap. Nabanggit din dito ang speech-act o bikas-pagganap na hango sa teorya ni John L. Austin. Sa kanyang teorya, nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong pagganap:
  1. Lokusyunaryo
  2. Ilokusyonaryo

  3. Perlokusyonaryo
 Tungkol naman sa Wika ng patalastas; ito ang ginagamit upang maipakilala ang isang tao, produkto, serbisyo o pangyayari sa pamamagitan ng patalastas. Halimbawa nito ay sa Mcdo. 
Halimbawa naman sa Word Play ay sa: 
Rebisco- ‘’Sarap ng filling mo’’
Image result for mcdo love ko to
Image result for regulatoryo halimbawa Ngayon, tumungo naman tayo sa pangalawang aralin na pinamagatang: Regulatoryo, sa pagkakaalam ko ang regulatoryo ay bisa ng wika na nagtatakda at nagbibigay direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat ng alinmang institusyong nabanggit. Ito ay isang halimbawa na nagpapakita ng Regulatoryo.

Natatandaan ko pa na may tatlong klasipikasyon ang wika ayon sa regulatoryong bisa nito:

1. BERBAL ang tawag sa lahat ng kautusan o batas na binbanggit lamang ng pasalita.

2. NASUSULAT, NALILIMBAG, AT BISWAL ang lahat ng kautusan na mababasa o napapanood natin na ipinapatupad ng may kapangyarihan.

3. DI-NASUSULAT NA TRADISYON ang mahabang tradisyon ng pasalin salin bukambibig na kautusan na sinusunod ng lahat.

   Nabanggit din ng aming guro na may ibat-ibang gamit ang wika ayon sa regulatoryong bisa nito: (1) pagpapatupad ng batas, (2) pagpapataw ng parusa, (3) partisipasyon ng mamayan sa paggawa ng tuntunin, (4) pagpapanatili ng kaayusan at kapayaaan, (5) pagtatakda ng polisiya at batas para sa kaunlaran. 
May ilang halibawa ang Regulasyon o  Batas at ito-ito ay ang:
1. Saligang Batas
2. Batas Republika
3. Ordinansa 
4. Polisiya
5. Patakaran at Regulasyon
           Sa pangatlong aralin naman na pinamagatang Interaksiyonal, sa pagkakaalam kong tungkulin nito ay ang tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala. Tinalakay din na ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Ito ay ang pagpapalitan ng impomasyon ng dalawa o higit pang mga tao.
Inilahad na ang Interaksyon sa Cyberspace ay nagsimula nang tumakbo ang kabanata ng Web 2.0, ang kasalukuyang bersiyon ng internet na higit na pinalawig, pinalawak, at makapangyarihan. Ang mga halibawa ng interaksiyon sa internet ay:
Image result for email
1. Dalawahan: Email at Personal na mensahe o instant message,
Image result for group chat messenger


2. Grupo: Groupchat at Forum
Image result for online store
3.  Maramihan:Sociosite at Online Store.

Ngayon, dadako naman tayo sa ika-apat na aralin na pinamagatang Personal. Natutunan ko na ang wika ay pinagsama-samang tunog at impit upang makabuo ng titik, kasunod ay salita. Sa konsepto ng wika higit pa sa bilang at salita ang sinasaklaw nito sapagkat maging ang damdamin ng kaluluwa, pahiwatig o siyensiya ay itinuturing na wika. Sa pagkakatanda ko ang personal ay mula sa salitang personalidad.

Ayon sa sikolohistang sina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) batay sa personal theory ni Carl Jung (1920), mayroong apat na dimensyon ang ating personalidad:

1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)
2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition)
3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling)
4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving)
Sa personal bilang pagpapahayag ng sarili, aon sa pag-aaral ni Halliday (1973) tungkol sa paggamit ng wika, isa sa mga kategorya ay ang personal na kung saan ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. Halimbawa nito ang Selfie na kung saan ina upload natin ang ating mga larawan sa social media upang maipahayag natin ang ating sarili o upang makapaghatid ng mensahe sa mga tao.
Kung pag-uusapan natin ang Malikhaing Sanaysay, ito ay naglalaman ng sariling pananaw ng may akda at nasa punto debista ng manunulat. Madalas gamitin ang ‘’ako’’ o unang panauhan bilang puntodebista. Ayon ka Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay mula sa dalawang salita na sanay at pagsasalaysay.
Mga halimbawa nito ay:
1. BIOGRAPIYA- talambuhay na nagsasaad ng buhay ng isang tao
2. AWTOBIOGRAPIYA- talambuhay ng isang tao na siya mismo ag sumulat
3. ALAALA (MEMOIR)- salaysay o kuwento ng buhay na pinagdaanan
4. SANAYSAY O TALA NG PALALAKBAY- pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita
5. PERSONAL NA SANAYSAY-  pagsalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay
6. BLOG- isang webpage o online na dyornal 
Ang sanaysay ay may talong bahagi:
1. Panimula- pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
2. Katawan- tinatalakay ang mga katanungan mula sa panimula
3. Wakas- papatunayan na malinaw ang konseptong tinalakay

                      Sa panglimang aralin na pinamagatang Imahinatibo, Ayon kay Halliday(1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Imahinatibo ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinsyon sa malikhaing pamamaraan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang blog at wattpad. 
Ang imahinatibong panitikan ay inilalarawan sa ibat-ibang anyo ng panitikan kabilang ang:
1. Pantasya
2. Mito
3. Alamat
4. Kwentong-bayan
5. Siyensiyang Piksyon
Kadalasan sa mga kwentong  ito ay natataglay ng mahika, nilalang na bunga ng imahinayon tulad ng mga prisipe at prinsea, mga hayop na nagsasalita, at mga kagilas-gilas na pangyayari. Ang mga tauhan sa  kwentong ito ay hindi totoo at imahinasyon lamang ng may akda.
Tulad ng siyentipikong pamamaraan, ang siyensiyang piksyon ay naglalatag ng paraan kung paano mauunawan ang sanlibutan ng ating kinabibilangan. Naglalahad ito ng siyentipikong kagamitan, kaisipan, at pamamaran na maaring maging ekspirimento sa ating isip.

                    Ngayon sa panghuling aralin na pinamagatang Heuristiko at Representatibo, inilalarawan na ang Heuristiko ay ang tanong at sagot, pag-iimbestega, at pageekspirimento kung tama o mali. Samantalang ang Representatibo ay inilalarawan bilang pagpapaliwanag sa mga datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o natutuklasan. Mayroong apat na yugto ang Maugnaying Pag-iisip:
1. Paggamit ng Sintido-kumon - pinakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran
2. Lohikal na Pag-iisip – nabubuo ng tatlong uri:
        A. Lohika ayon sa pangangatwiran o argumento
        B. Lohika ayon sa pagkasunod-sunod
        C. Lohika ayon sa Analisis- may dalawang anyo:
                  > Hinuhang Pangkalahatan- nagsisimula sa mahalagang ideya
                  > Hinuhang Pambatayan- isinasaad muna ang batayan bago ang konklusyon
3. Kritikal na Pag-iisip
                  > Masusing pagtutukoy sa kaligiran ng suliranin
                  > Pagsusuri, pag-uuri, at pagpupuna
                  > Paglalatag ng alternatibo
4. Maugnaying Pag-iisip – pinakamataas na antas ng pag-iisip
   Halimbawa:
  • Repleksiyon
  • Kritika
  • Interpretasyon
  • Pananaliksik na multidisiplinaryo
  • Pananaliksik na interdisiplinaryo
Ang POWERPOINT PRESENTATION (PPT) ay isang paraan ng paglalahad ng impormayon sa pamamagitan ng pagsama-sama ng teksto, disenyo, grap, tsart, tunog, o video.

Kabilang sa talakaying ito ang tungkol sa Mga Pananda para sa Kohesiyong Gramatikal
A. ANAPORA- panghalip na ginagamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangalan o paksa.
B. KATAPORA- panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago bannggitin ang pangalan o paksa.
C. PANGATNIG- ginagamit upang maging suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag sa pangungusap. Halimbawa: at, subalit, kaya, o ,dahil sa, ngunit, etc.
D. PANANDANG SALITA- nakakatulong upang bigyang diin, linawin, at pukawin ang atensiyon ng mambabasa o tagapakinig. Halibawa:
  • Pagkasunod-sunod
  • Paghahambing
  • Pagkakaiba
  • Pagdidiin
  • Daloy ng Panahon
  • Pagwawakas

At dito lang po nagtatapos ang aming blog tungkol sa mga natutunan naming sa Yunit II. Maraming salamat sa pagbabasa!

Image result for pelikula
Ang Wikang Filipino at ang Mass media sa araling ito natutunan namin na ang Mass Media ang pinakamakapangyarihang at pinkamaimpluwensiyang instutosyon sa ating lipunan. Ito ang gamit sa paghahatid ng mensahe sa kinauukulan. Ang mass media ay isa rin sa pinakamalaking industriya,ito ay isa ring negosyo sa iilang tao. Ang radyo ay ang media ng masa. Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamayan. 

Ang panonood ay ikalimang kasanayang pangwika ito ang pag proseso ng pagkuha at pag unawa ng mensahe sa pamamgitan ng panonood. Ang tanghalan ay isang uri ng palabas dito napapanood ang ang pagtatanghal ng aktuwal na umaarte ang mga tao, sumunod ang pelikula o sine na tinatawag ding motion picture, pangatlo ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang programa sa telebisyon ang palabas gaya ng Ang Probinsyano at ang pang huling uri na ang YouTube na isang website na maaring mag upload ng videos at mapapanood ng madla. 
Image result for social mediaImage result for radyo at tv
At dito lamang nagtatapos ang aming Blog tungkol sa aming natutunan sa asignaturang filipino 1. Muli ito si Andrea DIvine Legaspi At Ken Garcia.

Comments

Popular posts from this blog

Fiesta SA Pardo 2019